hindi naman talaga ako malulungkutin, hindi rin masyadong nag-iisip, wala ring masamang tinapay kaya simple lang kung bakit hindi nadedemo basta masaya ako tuloy lang, tuloy - tuloy lang.
medyo naging malaking factor din ang mga kwento ni ate yeya na ibang bersyon kaysa sa nakasanayan...
ito ay ang mga sumusunod:
si tata jose at ang kanyang mga apo
sa isang malayong pook ang magsasakang si tata jose ay nababahala sa mahinang ani. ang kanyang bukid na sinasaka ay natatabingan ng isang malaking bundok kaya hindi ito nasisikatan ng araw at hindi yumayabong ang kanyang mga pananim. nagdesisyon syang patagin ang bundok, gamit ang kanyang piko, pala at asarol ay sinimulan nya katulong ang kanyang pamilya ang pagpatag sa bundok. inisip ng mga kababaryo na siya ay nabababaliw na, pinagtatawanan at kinukutsa sya ng mga kababaryo pero patuloy si tata jose sa kanyang ginagawa. tinatyaga nilang patagin ang bundok... nakamatayan na ito ng matanda - ngunit hindi tumigil ang kanyang mga anak at apo. sa huli napatag nila ang bundok at umunlad ang kanilang bukirin pati narin ng kanilang mga kababaryo. naging masagana ang kanilang baryo.
ang daga ang suso at ang palaka sa kanilang karera sa bukid
napagkaisahan ng mga magkakaibigan na si daga, suso, at palaka na magkarera mula sa isang baryo tungo sa kabila may ilang kilometro rin ang layo ng baryo. si daga ay tumakbo ng matulin at sa kalagitnaay napagod din at nagpahinga, si suso naman ay may kabagalan at naiwanan, si palaka ay tumatalon na tanyado ang galaw ay nakarating sa patutunguhan.
si matsing at ang pagong
nakakita sila ng puno ng saging na napagkasunduan nilang paghahatian ang kita at gawain. ang pagpapaunlad ng sagingan ay gagawin ni pagong at ang pag ani ay kay matsing, ngunit ang tusong si matsing ay nanggulang dahil hindi nya ibinibigay ng tama ang kanilang inaani. kinausap sya ni pagong ngunit mas lumala at hindi nya na pinapartehan si pagong... nagalit si pagong at tinigil ang kanyang mga gawain, namatay ang mga saging naguton si matsing...
ang totoo mahirap ang lumaban sa naghaharing sistema tulad ni tata jose kailangan ng tyaga, determinasyon, at kailangang magsakripisyo para sa simulain. hindi kailangang magmadali dahil mapapagod ka rin, hindi rin dapat maging mabagal dahil maiiwan ka, dapat ay sakto lang tantyado para marating ang patutunguhan. dapat ding maging matapang na panandaliang iwanan ang luho at mamuhay ng payak upang sa huli ay umunlad. sa pagsasakripisyo ay may tagumpay. ito ang mga basic na aral ng mga kwento ni yeya.
kapag naaalala ko ang kanyang mga kwento... wala ng puwang ang pagkademo, napupuno ako ng pag-asa na may marararating ang ating pakikibaka