Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

LUPA


Dito nagsisimula ang buhay,
       Dito rin nagtatapos.
Dito sumisibol ang mga suhay,
       Hanggang Gapasin ang mga uhay.

Sari - saring mga bahay
       mula kubo hanggang sa mansyong magarbo
Ang dito'y naka tindig.

Sa lupa lahat tayo'y nakatapak,
       Ngunit ang iba'y lutang sa halusinasyon.
Inaangkin ang malaon nang nauna
                 kahit pa sa nuno nya.
Payaso ka bang mapagpatawa?
    Baliw na mapagpaniwala?
Inilista sa pirasong papel
 
    ang bakurang kanya,
        Gahamang hindi maitatatwa!

Hindi ba maaari,
    Mabuhay ng mapayapa,
        Pinaglalabanang lupa
Ay pare - pareho namang di kanila.

Kung tutuusin
    kahit papaano mo pa
              sumahin.
Ang sukat lang ng lupang
            iyong kailangan
Ay ang lupang iyong paglilibingan.
At kahit anong yaman ang iyong matipon
       buong buhay
Pataba sa lupa pa rin ang iyong
        katapusan.

 
"Everything must justify its existence before the judgment seat of Reason, or give up existence" Friedrich Engels

Jerina Ann Vallarta
__._,_.___

kilometer64@gmail.com

.

__,_._,___


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento