Linggo, Marso 18, 2012

Ako ay inlove

Hindi lahat ng bagay ay maganda
Hindi lahat ng panahon ay masaya
Pasista pa rin ang estado,
Wala pa ring pagbabago
Sa rehimen ni Aquino.
Naghihirap pa rin ang masa
Samu't sari pa rin ang dusa
Palaki ng palaki ang krisis.
Palaki rin ng palaki
Ang aking paghanga
Sa isang natatanging kasama.
Nagluluto ulit ng ulam
Nagsusulat ulit ng mga tula,
Nagdradrawing rin minsan.
At palaging masaya.
Madalas gusto ko syang makasama
Madalas gusto ko syang nakikita
Gusto ko rin sanang makagaan
Sa pasanin nya.
Gusto nandun ako,
Kapag ginigitgit sya sa MOB,
Kapag mahaba ang lakarin nya
Para maraming mapag usapan
at higit ko pa syang makilala
Gusto ko syang kilalanin
Hindi lang basta malaman
Kundi makatuwang.
At sa aking pagsusuma
Kung paano pa maipakikita
Ang pag ibig ko sa sinisinta
Hindi sa tsokolate o rosas kaya
Kundi
kung
Pagsusumikapan ko pang lalo
Ang pagpupukaw, pag oorganisa at pag momobilisa...
Hindi ko man sya palagiang kasama
Alam ko sa ganitong paraan
Ako'y makagagaan sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento