Martes, Marso 20, 2012

Ang Pancit Canton at ang kumakalam kong tiyan

Masarap ang Pancit Canton, yung medyo maanghang anghang at naglalapot ang sabaw.

Mabango iyon, lalo't may hipon, o piniritong atay at taba ng baboy na sahog

Nakatatakam rin kung maraming kulay dahil sa mga sahog na sariwang gulay,

Repolyo, carrots na kinorteng bulaklaklak, beans, dahong sibuyas na ginayat at tayngang daga.

Masarap iyong ipareha sa tinapay tasty bread man, monay o pandesal.

Iyon din ang gamot sa sumasakit kong tiyan dahil sa gutom na maghapon.

Ngunit walang pambili, kaya takam na takam,

Sa panindang kahit na mapanis ay di sasayad sa aking kumakalam na tiyan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento