Hindi nanggaling sa puso ng saging
Ang epekto'y hindi
tulad ng sa pelikula---
na ang sabi'y hindi ka tatablan ng bala.
Makalalakad sa tubig,
Makakalaban sa maligno.
Ang aking birtud ay hindi mahiwaga
At ito ay sa masa nagmumula
Sa taling kapit bisig
Sa pinag -samasamang lakas
Sa sama - samang pagkilos
at hindi sa birtud na mahiwaga
Makakamit natin ang
rebolusyunaryong tagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento