Sa aking lilang rosas,
Hindi sa lahat ng panahon ay magkasama
Hindi ko rin maipapangakong ang bawat araw
Ay magiging masaya.
O matitiyak na walang hapdi at kirot
Ang pagsuong sa karahasan ng digma
Sa mundong itong totoo
Ang ating magkasanib na mga puso
Ay haharap, susuong, susulong
Hindi ko man maipapangako
Ang mga bagay – bagay na maganda
Buong buhay namang pagsusumikapang
Magtagumpay.
Nakita ko lang ang sulat na ito sa aking lumang diary...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento